Magaling si Claro M. Recto sa larangan ng pag-susulat, sa katotohanan ay sa sining na ito unang nakilala ang kagalingan niya. Nakatulong ang kanyang kagalingan sa pag-susulat sa kanyang pag-aabogasya. Naipapahiwatig ni Recto ang kanyang mga saloobin at ang kanyang mga nais na pagbabago sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat, maging talumpati man ito o tula. Sa pagsusulat naipapakita ni Recto ang kanyang pagiging makabayan at ang kanyang matinding pagmamahal sa Pilipinas.