THE FOREMOST NATIONALIST

CLARO MAYO RECTO
Isinilang ni Claro Recto Sr. at Micaela Mayo si Claro M. Recto Jr. noong Pebrero 8, 1890 sa Tiaong, Tayabas, ngayong mas kilala na sa tawag na Quezon Province. Bagama’t sa bayan ng Quezon ipinanganak si Claro M. Recto, siya’y lumaki rin sa bayan ng Lipa, Batangas. Mayaman at may kaya ang parehong magulang ni Claro M. Recto.

NILALAMAN
Introduksyon
Recto bilang Manunulat
Mga Ideyang Pulitikal at Panlipunan ni Recto
Pagsusuri sa kaniyang Buhay
The Foremost Nationalist
Mga Sanggunian


Mga Ideyang Pulitikal at Panlipunan ni Recto

Thursday, February 11, 2010 x 9:43 PM

1. Ukol sa Tao at Lipunan

Mayroong pesimistang pananaw si Recto tungkol sa tao at sa lipunan. Para sa kaniya, hindi nagbabago ang kalikasan ng tao kaya’t laging niyang binabalikan ang mga ideya ni Rizal at ang kaniyang pagsusuri sa mga kapansanan ng lipunang Pilipino. Sa kaniyang pananaw, matalas at tumpok ang pagsusuri ni Rizal kaya’t sumasapanahon ito. Importanteng pagtuonan ito ng pansin dahil kung talaga ngang hindi nagbabago ang kalikasan ng tao, paano nga naman magkakaroon ng pagbabago ang lipunan?

Madalas ginagamit niya ang mga salita ni Simoun upang ipaalala sa mga Pilipino ang sitwasyon ng ating lipunan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila at kung paano ito nananatiling palasak sa ating henerasyon.

Gamit ang mga salita ni Simoun, sinabi ni Recto na:
“You allow yourselves to be deceived with big words and never go to the bottom of things to examine their effects and ultimate consequences…What are you going to achieve… Destroy your own originality, subordinate your thoughts to the thoughts of others and instead of free men you turn yourself into real slaves!”

Makikita dito ang pagtira niya sa mga pulitikong pulos mga panlabas na imahe lang ang inaalagaan at hindi ginagawa ang kanilang mga pangako sa bayan. Makikita riot ang pagpunterya niya sa kagustuhan ng mga pulitiko sa mapasailalim sa Amerikanong pamumuno at matamasa ang yaman na dulot ng mga ito sa kanila. Lalo na ang huling sinabi niya na para kay Recto, malaya tayo ngunit kung tutuosin bilanggo tayo sa kaisipang Amerikano; nang hindi inaako ang yaman ng ating kultura at lahi.

Mula sa pagdiin ng walang kakayahan ng tao na magbago, itinuon niya ang usapin sa kabataan. Tulad ni Rizal, para sa kaniya ang kabataan din ang pag-asa ng bayan. Sa kabataan niya iniiwan ang kaniyang pinaghirapan. Sa kabataan manggagaling ang kaligtasan ng ating bayan. Wala nang iba kundi ang kabataang Pilipino ang susulong ng kapakanan ng ating ibang bayan.
Binigyang pansin din niya ang mga kakulangan ng ating lipunan. Sinabi niya hindi naman talaga tayo pumipili sa pagitan ng kaguluhan at kapayapaan dahil puro kaguluhan nalang talaga ang nanagyayari sa ating lipunan. Sabi ni Recto,
“Are we faced with a choice between, for instance, war and peace, communism and freedom, republicansim and totalitarianism, and democracy and theocracy as a form of government, and Chiristianism and unbelief as a mode of worship? We have long made our choice in these various tenets and ideologies.”

Marami tayong problemang kailangang harapin na dulot na din ng mga pagkakamali at mga pansariling interes ng mga nakaupo sa gobyerno. Dahil masyado nang matibay ang istrukturang ito ng mga maling gawi, nagpapatuloy hanggang ngayon ang pagkalugi ng bansa sa lahat ng aspeto ng ating lipunan mula 1945 hanggang 1958.

Itinuring niya na mga Iskaryot ang ruling class na hindi lamang ibinenta ang kanilang bansa sa halagang tatlumpung pilak ngunti sa milyong milyong kanilang ninakaw mula sa pambansang pananalapi. Kitang kita rito na tahasan na niyang tinutuligsa ang mga taong nagnanakaw ng pagkakataon mula sa Pilipinas na maging isang maunlad na bayan. Sa puntong ito, wala nang pagpigil sa kaniyang mga hinaing alang-alang sa pagsulong ng ating kaunlaran at sa pagtatatag ng isang maliwanag na kinabukasan.

Recto and the Women
Isa sa mga katangiang kilala si Recto ay ang kaniyang respeto sa mga kababaihan. Una dito ay ang kaniyang pagpapahalaga sa mga itinuturo ng kaniyang ina. Na kahit sa kaniyang pagtanda, patuloy siyang nakikinig sa payo ng kaniyang ina. Ganito rin ang kaniyang trato sa nagiisa niyang kapatid na babae.

Bukod sa kaniyang pamilya, masigasig na romantiko naman si Recto sa mga kababaihan. Makikita sa kaniyang pagiging manunulat at romantiko na taga-hanga siya ng kagandahan ng isang babae. Makikita nga na ang kaniyang mga napangasawa ay silang mga pinakamagagandang babae noong kanilang henerasyon.

Sa kaniyang mga anak naman, naging mapagpalayaw si Recto sa kaniyang mga anak na babae at naging mapagbigay sa kaniyang mga anak na lalaki.

Kung matalas siya magsalita sa kaniyang mga debate laban ang kahit sinong lalaki, mahinahon naman at galante siya sa kaniyang pakikitungo sa mga kababaihan. Matamis siya magsalita at pinahahalagahan niya talaga ang kakayahan at mga nagawa ng mga kababaihan.

Sa kabuuan, makikita na pinahahalagahan talaga ni Recto ang mga babae lalo na ang miyembro ng kaniyang pamilya. Mapapansing dito umuugat ang ilan sa kaniyang mga paniniwala ukol sa tungkulin at posisyon ng isang babae sa ating lipunan.

Pinahahalagahan niya ang posisyon ng kababaihan sa edukasyon at ang kanilang pagpapahalaga sa pagtuturo ng mga kumplikadong kurso tulad ng ekonomiya at sosyolohiya.

Binigayang halaga din siya ang mga social work nga ginagawa ng mga kababaihan lalo na sa pagsulong ng proteksyon ng mga sanggol , ang laban sa tuberculosis, ang pagsasaayos ng mga pagkakawanggawa, at iba pang mga gawaing marangal ang kalikasan.

Para sa kaniya, hindi na lamang mga housewife ang mga babae, kundi kaya na rin nilang makipagsabayan sa mga laranagang propesyonal. Hindi na lamang mga sunud-sunuran ang mga kababaihan, nagkakaroon na rin sila ng srili nilang boses sa lipunan.

Dahil ganito na ang mga kababaihan, sinabi ni Recto na dapat bigyan din ng karampatang karapatan ang mga babae at mga pagkakataon upang linangin at maipakita ang kanilang maaaring maiambag sa ating bansa. Isa ito sa mga isinulong noong Constitutional Convention noong 1937, ang woman’s suffrage. Sa huli ibinigay sa mga kababaihan ang desisyon kung nais nilang makamit ang suffrage na ito, at walang tanong naman silang pumayag.

Para sa kaniya, hindi umuugat sa pagnanais ng mga kababaihan na maging kapantay ang mga kalalakihan ang tuon ng kanilang pagnanais ng kalayaan. Mas mainam na sabihin na ninananis nila ito sapagkat nagiging mas halata na may mali o depekto na ang pamamalakad ng mga kalalakihan kaya kinakailangan nilang magkaroon nga ng mga karapatan upang maitama ang naistrukturang pagkakamaling ito.

Sa huli kitang kita talaga ang kaniyang respeto sa kababaihan nang itinulad ang Pilipinas sa isang babae:
“a woman in chains struggling to be free, a mother who deserves the best that her sons can give, a lady to be loved, honored and protected forever.”

Recto on Responsible Government
Kapag sinuring mabuti ang Konstitusyon ng Pilipinas noong 1935, makikita na malaki ang kapangyarihang nasa kamaya ng ating Presidente. Ito rin ang naramdaman ni Recto kaya’t nasabi pa nga niyang mas malaki ang sakop ng kapangyarihan sa kaniyang mamamayan ang Presidente ng Pilipinas kaysa sa Presidente ng US. Sabi niya,

“I do not believe that it an exaggeration to state that the President of the Philippines could easily convert himself into an actual dictator within the framework of the charter. With his control of local governments and all that signified in terms of elections, with huge sums and unlimited sinecures to distribute, with emergency powers to rule by executive degreee as a last resort, he is restrained only by his own conscience from perpetuating himself or his party in power. But our poor human conscience often prevents us fromdoing only what we want to do.”

Makikita rito na sadyang napakadelikado ng sakop ng kapangyarihang naibigay sa ating Presidente, na kung nagkataon pang wala siyang konsensiya, ay siguradong magkakagulo sa ating bansa. Natutukan agad ni Recto ang ganitong sitwasyon na siya namang hindi gaano inintindi ng kaniyang mga kasama noong panahong iyon. Ganito si Recto, napapansin niya ang mga butas sa sistema ng ating lipunan na mabuting pagtuonan upang mapagbuti ang kalagayan ng ating lipunan.

Dahil sa ganitong pananaw, isinulong ni Recto ang ideyang maaaring makabuti sa Pilipinas ang parliamentary form of government. Pinaniniwalaan niya na ang
“combination of majority free from responsibility to the people for a fixed term, and with rich opportunities to consolidate its power, together with a presidency endowed with vast powers which the incumbent has every reason to wield for political advantage since he can run for reelectioon, has deformed our body politic”

Ang pagpapatupad ng isang parlyamentaryong gobyerno, para kay Recto, ay magbibigay pa rin ng kapangyarihan sa Presidente ngunit ang gobyerno mismo ay ipapatakbo ng punong misnitro at iba pang ministro na siya ring miymebro ng Kongreso. Sa ganitong paraan, mas malaki ang partisipasyon ng mamamayan sa pagpapatakbo ng ating bansa. Hindi naman maikakaila na mabuting aspirasyon ito dahil minsan, partisipasyon ng masa nalang talaga upang matugonan ng mabuti ang mga problemang pumipilay sa ating kaunlaran.

Ngunti, isnialang-alang din ni Recto ang kabilang banda. Handa na nga ba ang mga Pilipino sa ganitong uri ng responsibilidad? May punto ang mga naunag pulitiko tulad nila Tavera, na maaaaring hindi nga ganoon kataas ang edukasyong natamasa ng mga Pilipino, kaya’t marahil hindi mabuting ibigay ang kapangyarihang magdesisyon sa mga bagay na makakaapekto sa buong bansa.

Ayon kay Recto, upang maisakatuparan ang ganitong porma ng gobyerno, dapat huminog na ang mga kaisipan ng mga Pilipino ukol sa kalagayan ng ating bayan, habang inasaalang-alang ang bigat ng mga implikasyong maaaring idulot ng bawat desisyong kanilang gagawin.

Ipinuna din ni Recto na sa isang republikang gobyerno, walang motibasyon ang mga miyembro ng lehislatura na gawin ang kanilang mga tungkulin dahil isinaalang-alang nila lagi ang sarili nilang kapakanan. Kumabaga sabi nga ni Recto, personal politics ang tuon ng ating mga kongresista. Mas iniintindi nila ang pananatili sa kapangyarihan kaysa sa paggawa ng makabuluhang batas na aaaring makatulong sa sambayanan.

Kahit na ganito ang kaniyang pananaw sa republikanong gobyerno, hindi pa rin niya ipagpapalit ang katatagan na ibinibigay nito na wala sa parlyamentaryong gobyerno. Oo nga at pinahahalagahan niya ang responsibility at responsiveness na katangian ng isang parlyamentaryo ngunit para sa kaniya marahil mas maigi lamang ang ganitong gobyerno kapag ang hindi magaling o mandaraya ang presidente at matagal pa ang kaniyang termino. Sapagkat kung ganun man ang nangyari, mas makokontrol ng masa ang gawain ng gobyerno upang mapigil ang mga pandaraya.

Sa huli, hindi na niya pinuwersa ang pagbabago ng porma ng gobyerno at sa halip may mga ilang probisyong siyang iminungkahi. Ito ay ang:
(1) Paglilimita ng termino ng Presidente at Bise-Presidente hanggang anim na taon lamang at walang muling pagkahalal.
(2) Paghahalal ng mga senador ng bawat distrito, at hindi na indibidwal.
(3) Pagkakasabay ng halalan ng nasyonal at lokal na opisyal.
(4) Paghahalal ng ng Auditor General.