Noong kabataan ni Recto, lumaki siya sa panahon na maraming mga pinuno ng rebulusyon kaya’t lumaki siya ng mayroong matinding pagkiling sa ating bayan, ngunit sa kabilang panig naman lumaki siya bilang isang ilustrado kaya’t mayroon din siyang matinding pagkapit sa bansang Espanya. Bakat na bakat ang kanyang mga paniniwala sa mga sinulat niya noong bata siya. At hindi kailanman nawala ang alab na ito sa puso niya. Nag-iba lamang si Recto noong siya ay sumabak sa politika, at nagkaroon siya ng pananaw na kinakailangan niya ang lakas na maibibigay ng bansang Estados Unidos upang makamit ang kanyang mga pangarap, upang makuha niya ang lahat ng kanyang mga mithiin.
Ngunit Noong natalo siya sa 1955 na halalan, nagkaroon ng pagbabago kay Recto. Lumalago na ang kanyang pagiging isang nationalista at ngayon ay sinisimula na niyang tanungin ang mga istruktura ng lipunan na dati niyang kinagagalawan. Napagsama sama na niya ang kanyang mga napapansin at mga katanungan at nasagot na niya ang mga ito. Ang problema ng problema ng ating bansa ay nagmumula sa kolonyalismo na ating kinalalagyan.
Dahil dito nag-iba na ang mga kinikilingan ni Recto. Mula sa pagiging kasapi at kakampi ng mga conventional politicians, binatikos niya ang mga ito ng walang takot at kumampi sa mga masa, sa pananaw na sila ang panalo sa pagsilang ng isang nationalistang bayan, at kasabay nito ay kinakailangan niya ang kanilang supporta.
Maraming beses natin ito makikita sa kabuuan ng buhay ni Rectio.
· Kaso sa Philippine Base Metal Mines, Inc.
o Magsaysay and Garcia vs Recto
o Ngunit natawag na isang anti-american si Recto.
o Nakita ng maaga ang panganib sa paginit ng diskusyon laban sa mga kolonyalista.
· Pakikipaglaban para sa Rizal Bill na napasa makalipas ang isang taong paglalaban
o Pagpapasa ng batas para sa sapilitang pag-basa natin ng mga libro ni Rizal
o Nilabanan ng simbahan sapagkat nagpapakita ng maling perspektibo ng simbahan ngayon.
o At higit na anti-catholic kaysa patriotic ang mga libro ni Rizal.
Kasama sa pagbabago ni Recto ay ang pagpapalit ng kanyang pananaw sa foreign policies. Naging mas makatotohanan na ang pananaw niya sa ito. Kung dati ay payag siya sa mga military bases dahil sa paniniwala na kinakailangan ito, ngayon naman ay lahat na ng aspeto sa bansa natin ay tinitingnan na niya ng masugid. Katulad ng pagkakatali ng ekonomiya ng pilipinas sa estados unidos. Pilit niyang pinapakita sa taumbayan ang lawak ng hawak ng mga amerikano sa ating bayan. Kasama na riyan ang ating pagkakatali sa Amerika sa larangan ng military. Ipinakita niya talaga na ang ating pagkakakampi sa Amerika ay isang hangal na panaginip lamang, sapagkat tila isa lamang tayong kolonya sa ilalim ng isang pagpapanggap na tayo’y malaya. At dahil sa mga ito, tinuturo niya na malamang nakatali na rin ang ating gobyerno sa Amerika at kailangan natin magbago at lumaban para sa kasarinlan na tunay.
Sa katagalan ng kanyang pagkabuhay, nanatili si Recto bilang isang politiko at isang illustrado. Tila malayong malayo nga sa Pilipinong masa, isang nibel ng buhay na higit na gugustuhin manatili ang mga Amerikano, na manatili ang ating pagiging kolonya. Ngunit nabuo sa kanyang isip ang mga kasamaang nadudulot ng ating pagiging kolonya, at sa gayon ay namulat siya at nabuhay ang kanyang integridad kaya’t siya mismo ang tanging politiko na nangunguna sa pagwasak sa mga pananaw na matagal ng dapat winasak. Siya na ang nanguna sa paggising sa mga tao mula sa pagkakatulog, ang bumuhay sa masa mula sa kanilang pagkakahimlay.
Nakita niya ang kaniyang natatanging kalaban kay Ramon Magsaysay kaya’t naisipan niyang labanan ito sa halalan. Ngunit mayroon pa siyang pagkukulang sa panahon na ito ng kanyang buhay, tila naniniwala pa siya at umaasa siya masyado sa mga ideya, isang tipikal na illustrado. Hindi niya binigyan kaagad ng halaga ang gawa. Isang elitista na puro salita. Ngunit ang kanyang plataporma, mistula nga isang kampanya ng isang conventional na politiko, may mga panahon ng pagigiging ambivalent ngunit, hindi katulad ng mga natuturing mga politiko, nakahihigit ang kaniyang mga paniniwala kaysa sa kanyang kagustuhang manalo. Sa pag daloy ng panahon, makikita natin ang pagbabago ni Recto sa kanyang mga sanaysay at talumpati.
Pinagpipilitan din niya na upang maging tunay at matupad ang kaligayahan ay dapat ipalaganap natin ang ating sariling kasarinlan sa mga gobyerno o ang political independence. At sinabi niya na dahil sa kawalan nito nagsisimula ang ating mga suliranin mula agricultura, hanggang ekonomiya, ang kanyang pagtulak sa industryalisasyon.
“Filipinism, nationalism: this is my unconquerable faith and my burning hope.”
Makikita talaga natin na ang kaniyang pinaka kagustuhan ay ang maibalik ang nationalismo sa puso ng mga Pilipino. Lahat ng mga pinaglaban ni Recto ay tila para sa isang bayang hindi pa handa para rito. Masyado pang hilaw ang bayang talamak pa sa bahid ng kolonyalismo, hilo pa sa pagkakahimbing sa tabi ng kaniyang Estados Unidos. Kaya’t hindi nila lubusang pinahintulutan ang mga bilin ni Recto. Hindi mo rin naman masisisi ang masa sa hindi kaagad pagtiwala sa kanya, higit na mas madaling maniwala na lamang sa mga pangako ng ibang mga politiko, maniwala sa mga kasinungalingang sinasabi nila imbis na mabuhay at maghirap para makamit ang tunay na kasarinlan.
At siya rin mismo, hindi kaagad nagising sa katotohanan at pilit pang manatili sa ilalim ng anino ng Amerika, upang manalo sa halalan at manatili sa posisyon. Matagal tagal na namuhay bilang isang conventional politician si Recto, kinalimutan ang mga binatang mga hangaring nationalismo para sa isang buhay na tigib sa pandaraya, kasinungalingan at pakikipagaway. Siya mismo ay hindi niya alam kung kailan at papaano niya nakalimutan maging isang nationalista, na nagbigay daan sa kanyang pagiging politiko.
The great nationalist and statesman said he himself did not know how he ended up being a politician. “It was one of those steps which are taken without previous deliberation and reflection,” he admitted.
Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari, mga pakikipagtunggali sa kapuwa Pilipino, mga Pilipino na nalulong at nalasing na sa kapangyarihan na hatid ng kanilang pakikipag tulungan sa mga Amerikano, namulatan si Recto na hindi na wasto ang kaniyang ipinaglalaban. Bumangon ang dating Recto, ang nagtatago sa Recto noong oposisyon, at noong kabataan pa niya. Dahil dito namulat siya na para maging tunay na Malaya ang bansa natin, dapat na tanggalin ang kolonyalismong namumuno sa ating bayan sa bawat aspeto ng ating buhay. Na ang mga pinuno natin ay huwag isaalang alang ang kanilang mga hangarin kapalit ng pagiging “tapat” sa Estados Unidos.
Ang Claro M. Recto na muling nabuhay noong 1950’s ay siyang isang tunay na nasyonalista na hindi na iniisip ang kanyang sariling kapakanan o estado sa buhay, kundi ang kapakanan ng tao at ng bayan. Makikita natin na sa kaniya nakabase ang lahat ng mga susunod na mga nasyonalista sa ating bayan. Subalit tila nagkukulang na ang ating bayan sa mga natatanging pinuno na magsisilbi para sa bayan at hindi para sa sarili. Sa ganitong pananaw, napakarami nilang matututunan kay Claro M. Recto, sa kanyang buhay, mga sinulat at ang kanyang pagkamulat sa katotohanan. Nabibigyan ni Recto hindi lamang ang mga politiko ng pagkakataong magbago kundi, pati ang mga Pilipino na maari pa magkaroon ng isang katulad niya na uunahin ang hangarin ng bayan higit pa sa tawag ng pera at kapangyarihan.
Para sa kanya ang ugat ng lahat ng problema natin noon ay ang mga korapt na mga opisyales ng bayan, mga naging korapt dahil sa kapangyarihan na binigay ng Estados Unidos. At hanggang ngayon tila hindi pa natututo ang ating Bayan, 50 na taon na mula noong pumanaw si Claro M. Recto, ngunit ang mga tinig ng kanyang mga talumpati, ay tila naiwan lamang na paligoy ligoy sa hangin.
Sa darating na halalan, makikita natin kung sa wakas ay nakinig na ang ating mga opisyales, mga kongresista, senador at presidente, maging ang mga Barangay captain, gobernador at mayor, malalaman natin kung hindi lang sila lahat puro buga. Malalaman natin kung ang kanilang mga pangako ay hindi lamang dala sa kagustuhang manalo, sa kagustuhang maging makapangyarihan, sa kagustuhang kumamkam ng pera at mangurakot, malalaman na natin kung ang kanilang mga pangako ay para nga ba sa sarili o para sa bayan.
Isa sa mga hangarin ni Recto noong 1955 na halalan ang isang conscience vote kung saan hahayaan na lamang niya ang taumbayang bumoto ng kanilang sariling pananaw. Hindi na niya kailangang pilitin pa ang mga tao upang siya ang kanilang piliin, o kanyang kailangan pang bilhin gamit ang mga pangakong baliko at pera. Sinubukan niyang tawagin ang pagiging nasyonalista ng taumbayan noong panahon na yun, isang bagay na hindi nagwagi sapagkat hindi pa handa ang bayan noon. Ngunit sa ngayon sa aking palagay kailangan pa rin ng tulong mula sa mga kandidato upang gisingin, buhayin at natutulog na nasyonalismo sa bawat isa sa atin.
Isang bagay na malayo mangyari pa ata sapagkat ang mga mismong kandidato natin, na ang mga pinaka sikat at pinaka kilala ng mga tao, ay hindi pa handang magbago, takot pa lumayo sa mga partida nila, mula sa pera at mula sa kapangyarihan. Hindi nila kayang sundan ang yapak ni Recto, natatakot sila sapagkat marami ang mawawala sa kanila, ngunit para kay Recto isang maliit na bayad lamang yun kung ang kapalit ay maitaguyod ang nasyonalismong bubuhay muli sa ating bansa.
Kagustuhan niya talaga at pinili niyang humiwalay sa conventional politics at ginawa at isinabuhay niya mismo ang kanyang plataporma, na makikita natin sa kanyang talumpati.
“Filipinism, nationalism: this is my unconquerable faith and my burning hope. It is the inspiration for the program of government I have worked carefully over… It is a program of government, founded no less than on the great and loft objectives envisaged in the preamble of our Constitution… It is a banner of freedom proclaiming the national interests of the people, to be promoted and safeguarded by themselves… and thus enable all of our people to rise above poverty, and march on to … dignity.”
Mayroong mga kandidato na tumiwalag o hindi na kailanman sumali sa mga partidong mga sikat. Mga kandidato tulad nina Nicanor Perlas na malayong malayo sa pangalan ng tulad nina Manny Villar, ngunit sila ang mga taong pangunahing interes ay ang Makita na lumago at tumubo ang ating bansa. Na sa satin na lamang iyan kung kanino natin ibibigay ang botong napakahalaga, kung hindi para sa atin ay para sa mga anak natin, para sa ating hinaharap.
Makakaharap ang mga lumalaban para sa ating bayan ng mga katunggali, mga taong tutol sapagkat masisira ang kanilang kinabuhayan kapag nagwagi ang mga ito. Mga taong mambubulabog sa iyo, hinarap ni Recto ang mga ito at sinabi,
“I am for freedom. I am for democracy. I am for Christianity. I am for peace. I do not merely approve of them or suggest them. I crusade for them, and I have been doing my best to enlist our people in that crusade. But I also believe that I have learned enough about them to know what they really mean and to realize that often words are used to cloack actions which are precisely the very antithesis of their true meaning. … After over ten years of watching the…manipulation of these words, it should no longer be fiddicult for many of us to realize or appaling naivete.”
Ngunit makikita natin na ayun nga, 50 taon na ang nakalipas nakalugmok pa rin sa pagiging tanga ang ating bayan, hindi nagigising sa katotohanan. Sa isang banda, hindi na siguro ang imperyalismong USA ang pinakaugat at pinakakalaban ng ating bayan ngayon, natitira pa rin ang korapsyon sa ating bayan. Magmula sa pinakamataas na opisyales tungo sa pinakamababa,karamihan ay nalulong sa hatak ng kapangyarihan, na panatiliin ang korapsyon.
Marahil hindi na nga tayo isang kolonya ng USA, wala na ang mmga bakat ng imperyalismo. Nababalot naman tayo ngayon ng isang higit na malalang problema. Nasa ilalim na tayo ngayon ng isang imperyalismong Elitista. Naiiwan tayong umaasa, sa mga pangako na kailanman ay hindi natutupad.
Iyan ang laban hindi lamang ni Recto, kundi isang hamon sa masa, na magising mula sa pagkakatulog at muling ipaglaban ang nasyonalismo, hindi upang makalaya sa dayuhang bansa, kundi para sa isang kasarinlan mula sa korapsyon na talamak sa ating bayan. Kasarinlan para sa ating bayan.
Sa pangwakas, hindi naman nag wagi si Recto, hindi rin siya nagtamo ng napakaraming salapi, o nagawaran ng mga napakaraming premyo. Ngunit makikita sa kanyang buong buhay ang pagbabago mula sa isang taong bulag sa katotohanan patungo sa isang mulat na pinuno. Siya mismo ang nagtanim ng mga binhi ng nasyonalismo sa ating bayan at hinihintay na lamang niyang bumunga ang mga ito upang magsilbing gabay para sa atin sa kasalukuyan, ngunit higit sa lahat sa hinaharap, sa ating kabataan sa ating mga apo. Na sana sa dulo ay mapakiramdaman na nila ang tunay na kasarinlan.