
Bata pa lamang siya ay nahilig na siya sa pagsusulat at magaling na siya magsalita, kaya’t kitang kita naman sa kanyang paglahok sa iba’t ibang gawain tulad ng pagsusulat sa local na pahayagan ng kanyang paaralan, tulad ng El Ideal at La Vanguardia. Gumawa siya ng isang kumpilasyon ng mga tulang ginawa niya at pinamagatan niya itong Bajo los Cocoteros (Under the Coconut Trees). Hindi niya nilimitahan ang kanyang sarili sa pagsulat ng mga artikulo at tula, nagsulat din siya ng mga dula tulad ng La Ruta Damasco at Solo Entre Las Sombras, na naging tanyag hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Espanya at Latin Amerika.
Bilang isang abogado naman, sinasabing kilala si Claro M. Recto bilang abogado milagroso, o Miraculous Lawyer, dahil sa kanyang galing sa larangan ng abogasya. Marami siyang mga kasong naipanalo, bagama’t madalas niyang nakakaharap ang mga abogadong mas matanda pa sa kanya. Nirerespeto siya ng kanyang mga kasama hindi lamang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa Espanya at Amerika.
Sumabak sa politika si Recto sa murang edad na 29 bilang isang consehal sa ikatlong distrito ng Batangas, sa ilalim ng partido democratia. Napagpatuloy niya ito hanggang sa inimbitahan siya ng partido nacionalista nang mapagdesisyunan niyang tumakbo bilang isang senator. Maliban sa pagiging senator, naging miyembro rin siya ng Constitutional Convention noong 1934 at nasali sa pagsagawa ng konstitusyon ng 1935 sa ilalim ni Pangulong Manuel L. Quezon. Sinasabing ang konstitusyon na ito ay ang pinakamagaling na pagkakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming naitulong si Recto sa pagbuo ng bansa noong panahon ng mga Amerikano. Naging Supreme Court Justice siya nang maatasan siya sa posisyong ito mismo ng Pangulo ng Amerika na si Theodore Roosevelt.
Namatay si Claro M. Recto sa Roma noong October 2, 1960 dahil sa atake sa puso. Hindi niya ninais na mamatay sa banyagang bansa.